-- ADVERTISEMENT --
Hindi na itinuloy ng US Department of Defense ang pagsasara ng airspace nila sa bahagi ng El Paso, Texas.
Ayon kay Transportation Secretary Sean Duffy na kanilang na-neutralized ang nasabing mga drones.
Pinaniniwalaan nila na ang mga drones ay galing sa Mexico dahil ang lugar ay border nila ng nasabing bansa.
Una ng ipinag-utos ng Federal Aviation Administration (FAA) ang pagbabawal ng pagpasok at paglabas ng mga flights sa El Paso International Airport ng hanggang Pebrero 20 dahil sa banta ng drones.
Ikinagulat naman ni El Paso Mayor Renard Johnson dahil hindi sila inabisuhan na magkakaroon ng nasabing pagsasara ng airspace sa lugar.
-- ADVERTISEMENT --











