-- ADVERTISEMENT --

Nanawagan si Pope Leo XIV na itigil ang lumalalim “spiral violence” sa Middle East, kasunod ng pag-atake ng United States at Israel sa Iran na sinundan naman ng mga pag-ganting airstrike.

Sa kanyang mensahe sa mga mananampalataya sa St. Peter’s Squar, nagbabala ang Santo Papa sa posibilidad ng isang napakalaking trahedya kung hindi agad mapipigilan ang paglala ng sigalot.

Ayon sa Santo Papa, sa harap ng banta ng isang napakalaking trahedya nananawagan umano siya sa mga bawat sangkot na bansa na magkaroon ng moral na pananagutan upang itigil ang kasalukuyang nagaganap na karasahan bago pa ito magdulot ng mas malalang pinsala.

Ang mga naging pahayag ng Papa ay kasunod ng patuloy na palitan ng pag-atake sa pagitan ng Iran at ng US at Israel, na nagdudulot ng pangamba sa posibleng mas malaking destabilisasyon sa Middle East at sa pandaigdigang komunindad.