Idineklara ng Russian army ang “unilateral ceasefire” sa Ukraine.
Ayon sa Russian Defense Ministry, magiging epektibo ito sa pagitan ng Mayo 8 at 9 kasabay ng pagmarka ng World War II Victory Day.
Sa isang pahayag, sinabi ng ministry ito ay alinsunod sa desisyon ng Supreme Commander-in-Chief ng Russian Armed Forces na si Russian President Vladimir Putin.
Gayundin, sinabi ng Russia na ito ay para sa humanitarian considerations at upang bigyang-daan ang mga pagdiriwang ng Victory Day.
Sa kabila nito, mananatiling nasa defense position ang Russian forces at nagbanta ng matinding tugon sakaling lalabagin ng Ukraine ang ceasefire.
Sa panig naman ng Ukraine, nagpahayag ito ng sariling tigil-putukan mula May 5 hanggang 6 at itinuturing naman na hindi seryoso ang inaalok na truce ng Russia.
Ang Victory Day ngayong taon sa Russia ay ang ika-81 anibersaryo ng tagumpay ng Soviet Union laban sa Nazi Germany noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig.











