-- ADVERTISEMENT --

Itinanggi ng United States Central Command ang ulat na tinamaan ng Iran ang isang U.S. Navy vessel, kasunod ng pahayag ng ilang Iranian news agencies na umano’y may inatakeng barko malapit sa isang port sa timog-silangan ng Strait of Hormuz.

Ayon sa Iran, ang naturang barko ay lumabag umano sa maritime security at napilitang umatras. Ngunit giit ng U.S. Central Command, walang kahit anong Navy ship ang tinamaan sa insidente.

Kasabay nito, inihayag ng U.S. military ang bagong inisyatiba na inendorso ni U.S. President Donald Trump, kung saan posibleng gumamit ng naval at air assets para gabayan ang mga commercial vessels sa Strait of Hormuz, kung saan maraming barko ang naiipit dahil sa tensyon.

Ayon sa ulat, ilang barko ang inaatake o pinipigilan ng Iran kapag walang pahintulot ang mga ito.

Pinayuhan naman ang mga barko na dumaan sa mga katubigan ng Oman sa gitna ng itinatag na “enhanced security area.”

-- ADVERTISEMENT --

Tinawag ng Iran ang hakbang ng U.S. na paglabag sa umiiral na ceasefire, habang binigyang-diin naman ng Estados Unidos na bahagi ito ng “Project Freedom” na layong tulungan ang mga na-stranded na seafarers na nahaharap sa kakulangan ng pagkain at tubig sa gitna ng digmaan.