Patuloy ang pag-aalboroto ng Mayon Volcano matapos maobserbahan ng mga state volcanologists ang patuloy na pagdaloy at pagbagsak ng lava nitong Miyerkules ng gabi.
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), nakita sa camera footage ang lava effusion at collapse sa Mi-isi Gully bandang alas-8:52 ng gabi noong Mayo 6, na bahagi ng ika-121 araw ng tuloy-tuloy na effusive eruption ng bulkan.Philippine News Digest
Sa loob ng nakalipas na 24 oras, nakapagtala ang PHIVOLCS ng tuloy-tuloy na pagdaloy ng lava, rockfalls, at pyroclastic density currents o “uson” na bumababa sa mga dalisdis ng bulkan.
Nakapagtala rin ng 11 volcanic earthquakes, 283 rockfall events, at 17 pyroclastic density current signals, pati na rin ang ilang maikling Strombolian activity at lava fountaining.
Binalaan ng ahensya ang publiko na mahigpit pa ring ipinagbabawal ang pagpasok sa 6-kilometer permanent danger zone dahil sa patuloy na banta ng pagputok at pagguho ng bato mula sa bulkan.











