-- ADVERTISEMENT --

GENERAL SANTOS CITY – Dumulog sa presinto ng pulisya ang isang babae upang ireklamo ang kanyang kinakasama matapos pagdudahan na may ibang babae.

Kinilala ang inireklamo ng lalaki na si Jhonny Bantilan, na residente ng Brgy . San Isidro ng lungsod ng Heneral Santos.

Batay sa ginawang imbestigasyon ng San Isidro Police Station, nagselos ang hindi nila pinangalanang babae matapos naamoy nito na iba ang ginamit na brand ng cologne ng kinakasama.

Kinompronta ng babae si Bantilan na nauwi sa pag-aaway.

Giit ng babae, naghatid sa kaniya ng emotional abuse ang nangyari kayat nais nitong ipakulong ang kinakasama.

-- ADVERTISEMENT --

Nalaman na nakulong ng dalawang araw ang inireklamong lalaki subalit kalaunan ay nakalaya rin sa selda matapos patawarin ng babae.

Nabatid na nagtatrabaho bilang bodyguard ni Senator Manny Pacquiao ang inireklamong lalaki.