-- ADVERTISEMENT --

Humingi ng paumanhin ang White House sa ginawang malawakang immigration raid sa factory ng Hyundai sa Georgia.

Sinabi ni Hyundai chief executive José Muñoz na tumawag sa kaniya ang gobernador ng Georgia at sinabing hindi niya alam ang pangyayari at hindi nito sakop ang insidente.

Magugunitang noong Setyembre ng magsagawa ang US ng malawakang immigration raid.

Nasa mahigit 300 na mga South Korean workers ang ikinulong at pinauwi sa kanilang bansa.