-- ADVERTISEMENT --

Nasawi ang isang pastor ng United Methodist church ng San Mateo Isabela matapos na masangkot sa aksidente.

Nakilala ang biktima na si Pastor Ancelmo Quiros, 39-anyos na residente ng Barangay Sinamar Norte, San Mateo, Isabela.

Batay sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan sakay ng kaniyang motorsiklo ang pastor ng maaksidente ito dahil sa isang galang aso.

Batay sa pulisya nabangga ng biktima habang sakay ng motorsiklo ang isang aso sanhi para magtamo ng sugat sa katawan ang pastor.

Agad naman siyang dinala sa isang pribadong pagamutan para malapatan ng lunas subalit kinailangan siyang ilipat sa mas malaking pagamutan dahil sa mga natamong injury.

-- ADVERTISEMENT --

Inihayag ni Ginoong Eustaquio Umipig isang enforcer na hanggang ngayon ay napakaraming mga galang aso sa naturang bayan na patuloy na bumabagtas sa mga kalsada kahit na may umiiral na ordinansa laban dito.