-- ADVERTISEMENT --

Mahigit 101 na tripulante ang naiulat na nawawala matapos lumubog ang Iranian Navy frigate IRIS Dena (75) sa labas ng teritoryal na tubig ng Sri Lanka nitong Miyerkules.

Ayon kay Sri Lanka Foreign Minister Vijitha Herath, nailigtas ng kanilang hukbong dagat at himpapawid ang 32 sugatang mandaragat, karamihan ay nasa kritikal na kondisyon.

Ang insidente ay naganap habang pauwi na ang barko mula sa MILAN 2026 International Fleet Review na ginanap sa India.

Isinugod ang mga nasagip na tripulante sa ospital sa Galle, kung saan patuloy silang ginagamot.

Bagama’t may mga ulat na nagsasabing sinamitan ng torpedo ng isang submarine ang barko, hindi pa malinaw kung aling bansa ang responsable sa pag-atake.

-- ADVERTISEMENT --

Ang paglubog ng IRIS Dena ay nagdulot ng pangamba sa rehiyon, lalo na’t kasabay ng tumitinding tensyon sa Gitnang Silangan.