-- ADVERTISEMENT --

Nagtala na ng gintong medalya ang Pilipinas sa 3rd Asian Youth Games na ginaganap sa Manama, Bahrain.

Nakuha ni Kram Airam Carpio ang unang gintong medalya sa girls 51-55 kg.

Tinalo nito si Qiken Dwi Olifia ng Indonesia sa score na 33-19.

Nagpasalamat si Carpio sa mga Pinoy dahil sa pagsuporta sa nasabing delegasyon.

Sasabak ang mga atleta ng bansa sa mga sports ng volleyball, teqball, golf, triathlon, mixed martial arts, taekwondo, muay, athletics, boxing,cycling weightlifting, table tennis, badminton, wrestling, swimming,jiujitsu at kurash.

-- ADVERTISEMENT --

Mayroong mahigit 4,300 na atleta ang kalahok mula sa 253 events ng 24 sports.