-- ADVERTISEMENT --

Pasok na sa ikatlong round ng Italian Open si Pinay tennis star Alex Eala.

Ito ay matapos talunin si World No. 33 Wang Xinyu sa score na 6-4, 6-3.

Dominado ng Pinay tennis star ang laro kung saan pinilit pa ni Wang na mapalawig ang set.

Inamin naman ni Wang na humanga siya sa galing ng Pinay tennis star at ito ay bahagyang nahirapan.

Ang nasabing torneo ay isang paghahanda ng Pinay tennis star bago ang pagsabak nito sa French Open na magsisimula sa Mayo 18.

-- ADVERTISEMENT --