-- ADVERTISEMENT --
Dismayado si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa patuloy na paghahanda para sa kaniyang ika-apat na State of the Nation Address (SONA) sa kabila ng masamang panahon.
Itoy matapos kumalat ang larawan ng Pangulo na nasa tarpaulin na ikinakabit ng mga kawani ng Department of Public Works and Highways (DPWH).
Ayon kay Executive Secretary Lucas Bersamin, ikinadismaya ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang insidente, lalo na’t marami ang naapektuhan ng matinding pagbaha sa ilang bahagi ng bansa.
Dahil dito, pansamantalang sinuspinde ng Palasyo ang lahat ng SONA-related preparations.
Inatasan din ang DPWH at iba pang kaukulang ahensya ng pamahalaan na ituon muna ang kanilang atensyon sa flood response at relief operations.
-- ADVERTISEMENT --