-- ADVERTISEMENT --

Kinasuhan ng US Department of Justice si dating Cuban President Raúl Castro sa Miami, Florida.

Idinemanda ang ex-president at limang iba pa ng “conspiracy” para patayin ang US nationals, apat na bilang ng murder at dalawang bilang ng destruction of aircraft.

Inakusahan ang ex-president at Cuban military ng pagpapabagsak umano noong 1996 ng dalawang civilian planes na pagmamay-ari ng Cuban-American group na “Brothers to the Rescue” at kumitil ng apat na katao kabilang ang tatlong Americans habang nasa humanitarian mission sa Florida Straits.

Ang dating pangulo, na nasa edad 94 na ngayon, ay nagsilbi noong pinuno ng armed forces ng Cuba at nagbigay umano ng utos para patumbahin ang mga eroplano.

Ang iba pang defendant sa kaso ay ang fighter pilot.

-- ADVERTISEMENT --

Kinondena naman ng kasalukuyang Pangulo ng Cuba na si Miguel Díaz-Canel at ng kanilang Foreign Ministry ang hakbang na ito. Tinawag nila itong isang “political maneuver.”

Ipinagdiinan ng Cuba na ilegal ang naturang sakdal. Anila, self-defense o pagtatanggol sa sarili ang nangyaring pagpabagsak sa mga eroplano dahil itinuturing nilang “terorista” ang grupong Brothers to the Rescue. Naniniwala sila na ginagamit lamang ito ng administrasyon ni U.S. President Donald Trump para magsilbing dahilan sa mas matinding agresyong militar laban sa kanilang bans

Ang naging hakbang ng US ay sa gitna ng umiigting na kampaniya ng Trump administration para patalsikin ang anim na dekadang communist regime ng Cuba.