-- ADVERTISEMENT --
Nagkampeon ang Australia sa FIBA Asia Cup laban sa China 90-89.
Hawak ng China ang kalamangan kung saan umabot pa sa 14 na puntos hanggang mahabol ito ng Boomers sa laro na ginanap sa Jeddah, Saudi Arabia.
Naitabla ng Australia 40-40 sa second quarter at mailayo ng China sa 46-42 sa pagtatapos ng first half.
Bumida sa panalo ng Australia si Xavier Cooks na mayroong 30 points at siyam na rebounds.
Ito na ang pinakamalapit na puntos na nagkampeon ang Australia dahil noong 2022 final ay tinalo nila ang Lebanon 75-73 na ginanap sa Jakarta, Indonesia.
-- ADVERTISEMENT --