Dumalo sa plenary session ng Kamara de Representantes si Leyte 1st District Representative Martin Romualdez sa kabila ng patuloy na isyung may kaugnayan sa maanumalyang flood control project.
Nabatid na nakita si Romualdez na aktibong nakikilahok sa sesyon ng Kamara kung saan siya ay binati ng ilang kapwa mambabatas sa loob ng plenary hall.
Sa kabila ng kinahaharap na isyu, isa sa mga pangunahing batas na kanyang ininusulong ay ang House Bill 8466 o ang National Land Use Act, na inaprubahan na sa ikatlo at huling pagbasa ng Mababang Kapulungan ng Kongreso.
Layunin ng panukala na magtatag ng isang komprehensibong plano sa paggamit ng lupa sa bansa upang mapalakas ang food security, mapabuti ang disaster preparedness, at tugunan ang mga problema sa pabahay at imprastraktura.
Ayon kay Romualdez, ang panukala ay isang reporma upang pag-isahin ang magkakahiwalay at magkakasalungat na polisiya sa land use sa iba’t ibang sektor.











