Naging makasaysayan ang 2026 Midterm Elections sa Estados Unidos matapos makapagtala ng mahahalagang tagumpay ang ilang kandidato sa karera para sa Senado, kabilang ang mga inaasahang magiging kauna-unahang Muslim, Indigenous woman, at openly gay male na senador sa kasaysayan ng bansa.
Kabilang sa mga kandidatong nag-ukit ng kasaysayan si Abdul El-Sayed ng Michigan, na magiging kauna-unahang Muslim na maglilingkod sa senado ng Esatod Unidos, dating opisyal sa larangan ng public health si El-Sayed at tumakbo sa ilalim ng Democratic Party.
Samantala, nagwagi rin si Minnesota Lieutenant Governor Peggy Flanagan, na magiging kauna-unahang Native American woman na mauupo sa senado miyembro siya ng White Earth Nation at naging bahagi ng progresibong paksyon ng Democratic Party.
Sa New Hampshire naman, inaasahang magiging kauna-unahang openly gay male senator si Congressman Chris Pappas matapos ang kanyang panalo sa senatorial race.
Isa rin sa mga inaabangang makasaysayang resulta ang pagkapanalo ni Annie Andrews sa South Carolina, siya ang magiging kauna-unahang babaeng nahalal bilang senador mula sa naturang estado.
Apat na kandidato, nag-ukit ng kasaysayan sa 2026 U.S. Midterm Elections
-- ADVERTISEMENT --










