-- ADVERTISEMENT --

Ibinabala ng Islamic Revolutionary Guard Corps (IRGC) ng Iran na kanilang isasara ang Strait of Hormuz.

Ito ay kapag tinarget ng US at Israel ang kanilang mga energy infrastructures.

Dagdag nila hindi sila magdadalawang isip na gumanti gaya ng pag-target din ng mga pangunahing mga imprastraktura.

Ayon kay Iranian parliament speaker Mohammad-Bagher Ghalibaf na kanilang sisirain ang lahat ng mga imprastura sa lahat ng mga gulf region.

Ibinabala din nito na mas tatagal pa ang pagtaas ng produktong petrolyo.

-- ADVERTISEMENT --

Magugunitang ibinabala ni Trump na dapat sa loob ng 48 oras ay buksan na ng Iran ang Strait of Hormuz at kung hindi nila ginawa ay kanilang aatakihin ang mga oil at energy infrasture ng Iran.