Mayroong 17 mga miyembro ng House of Representatives ang inimbitahan ni Senate President Pro Tempore Panfilo Lacson sa pagpapatuloy na imbestigasyon nila sa anomalya sa flood control projects.
Ayon kay Lacson, naibigay na niya ang mga imbitasyon sa pamamagitan ni Speaker Faustino “Bojie” Dy III.
Ang 17 mga mambabatas na inimbitahan ay mga binanggit ng mag-asawang kontraktor na sina Sarah at Curlee Discaya.
Kasama sa mga naimbitahan sina dating speaker at Leyte Rep. Martin Romualdez, dating Ako Bicol party-list congressman Zaldy Co at Benguet Rep. Eric Yap na mga personalidad na umanoy tumanggap ng kickbacks mula sa flood control projects na binanggit ni dating Marine at security consultant Orly Guteza.
Ito ang naging unang hakbang na gagawin ni Lacson matapos na mahalal muli na mamuno ng Blue Ribbon Committee.











