-- ADVERTISEMENT --

Ayon kay NBI Director Melvin Matibag, nadakip si Mabanta sa ikinasang entrapment operation.

Base sa ulat, tinangka umanong manikil ni Mabanta kay Romualdez ng P350 million kapalit nang hindi paglalabas ng mga video na hawak umano niya na nagdadawit sa kongresista sa flood control scandal sa pamamagitan ng Peanut Gallery Media Network.

Nagresulta naman sa pagkakaaresto ni Mabanta ang isinagawang operasyon matapos makatanggap ng P300 million marked money.

Nakatakdang magsagawa ng isang press conference ang NBI ngayong araw para sa karagdang detalye ng pag-aresto kay Mabanta.

-- ADVERTISEMENT --