-- ADVERTISEMENT --

Kinumpirma ni Ukrainian President Volodymyr Zelensky na iminungkahi ng Estados Unidos na magkaroon na nang agarang solusyon para wakasan na ang taong sigalot sa Ukraine at Russia bago dumating ang Hunyo 2026.

“America proposed for the first time that the two negotiating teams – Ukraine and Russia – meet in the United States of America, probably in Miami, in a week. We confirmed our participation,” ani Zelensky.

Maalalang matagal nang isinusulong ni U.S. President Donald Trump ang pagtatapos ng digmaan.

Samantala, patuloy parin ang pag-atake ng Russia sa Ukraine’s energy infrastructure, na nagdulot ng malawakang blackout sa gitna ng napakalamig na panahon.

Aminado si Zelensky, na sa ikalawang round ng US-brokered peace talks sa Abu Dhabi, nanatiling mahirap ang ilang isyu na kahaharapin ng dalawang bansa tulad ng territorial concessions.

-- ADVERTISEMENT --

Tinalakay rin ang posibilidad ng trilateral meeting sapagitan ng mga leaders, ngunit kailangan pa aniya ng preparatory elements. “The Americans say that they want to do everything by June. Why before this summer? We understand that their domestic issues in the US will have an impact,” paliwanag pa niya.

Batay sa tala ng Ukraine ang panibagong malawakang drone at missile strikes ng Russia ay nasa higit 400 drones at 40 missiles ang ginamit, kung saan target umano ang energy grid, generation facilities, at distribution substations sa apat na rehiyon sa bansa.

Nagpatuloy din ang retaliatory strikes ng Ukraine laban sa Russia, kabilang ang pag-target sa missile fuel factory sa Tver region at oil depot sa Saratov region ng Russia.