-- ADVERTISEMENT --

Hindi ikinasaya ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang mga naitalang pagkamatay at pagkasugat sa unang parliamentary elections ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao o BARMM.

Ayon kay Palace Press Officer Undersecretary Atty. Claire Castro, kahit isang tao lamang ang masaktan sa halalan ay hindi ito ikatutuwa ng Pangulo, kahit pa itinuring ng Commission on Elections o Comelec na generally peaceful at orderly ang eleksyon.

Hindi bababa sa apat na katao ang nasawi at 19 ang nasugatan sa mga insidente ng karahasan, kabilang ang shootout sa Cotabato City bisperas ng halalan.

Gayunman, sinabi ni Castro na itinuturing pa rin ng administrasyon na naging matagumpay ang halalan sa BARMM, batay sa mga ulat ng PNP at Comelec.

Samantala, nanatiling mataas ang voter turnout sa rehiyon, sa kabila ng mga naitalang insidente ng karahasan.

-- ADVERTISEMENT --