-- ADVERTISEMENT --

Umuugong ngayon sa social media ang pangalan ni Janella Salvador bilang umano’y “third party” sa hiwalayan nina Klea Pineda at Katrice Kierulf, matapos i-like ni Kierulf ang ilang komento sa TikTok na tumutukoy sa aktres bilang dahilan ng breakup.

Bagamat inamin ni Pineda sa panayam kay Boy Abunda na tapos na ang kanilang tatlong taong relasyon, nilinaw niyang walang third party na sangkot.

Gayunman, ‘di naman natiis ng mga netizens na mag imbestiga at makita nilang nag-like si Kierulf sa mga komentong nagsasaad na si Salvador ang “other party.”

Isa sa mga komento na ni-like ni Kierulf ay: “Once you liked this Katkat, then it’s confirmed that JS is the other party.” Nag-like rin siya sa iba pang komento na tuwirang binanggit ang buong pangalan ni Salvador.

Tinanggal na ang mga komentong ito sa TikTok page ni Kierulf, ngunit na-screenshot at muling nai-post ng fan account na @vsgyaki sa X (dating Twitter).

-- ADVERTISEMENT --

Matatandaang nagsama kamakailan sina Pineda at Salvador sa pelikulang Open Endings, isang LGBTQ+ themed film na pinagbibidahan din nina Jasmine Curtis-Smith at Leanne Mamonong.

Hanggang ngayon, wala pang opisyal na pahayag mula kina Kierulf, Pineda, o Salvador ukol sa isyu.