-- ADVERTISEMENT --

Muling naging sentro ng world fashion ang Met Gala 2026 sa New York City, kung saan tampok ang temang “Costume Art” at dress code na “Fashion Is Art.”

Ginanap noong Mayo 4 (Martes sa Pilipinas) sa Metropolitan Museum of Art, kung saan ipinamalas ng mga star celebrity ang iba’t ibang interpretasyon ng art sa pamamagitan ng avant-garde at sculptural fashion pieces.

Kabilang sa mga kapansin-pansing look si Heidi Klum, na nagpakitang-gilas bilang “living marble sculpture” na inspirasyon sa 1847 artwork na Veiled Vestal. Ayon sa kanya, layunin ng kanyang outfit na pagdugtungin ang fashion at fine art.

Nagpakitang-gilas din si Madonna sa all-black ensemble na may sheer veil at sculptural headpiece, na inspirasyon sa isang painting ni Leonora Carrington.

Isa pa sa mga naging sentro ng atensyon si Lisa, na kabilang sa host committee, dahil sa kanyang shimmering white Robert Wun gown na may sculptural arm-like structure na humahawak sa veil.

-- ADVERTISEMENT --

Dumalo rin si Beyoncé kasama ang kanyang pamilya sa kanyang comeback Met Gala matapos ang sampung taon, suot ang sheer gown na may skeleton-inspired embellishments. Kasama niya si Blue Ivy Carter na suot ang white Balenciaga balloon dress, habang si Jay-Z ay dumalo rin sa event.

Magkasabay namang rumampa sina Rihanna at A$AP Rocky, suot ang Maison Margiela at baby pink coat na may metallic illusion details.

Naging usap-usapan din si model-activist Lauren Wasser sa kanyang gold-themed Prabal Gurung suit, na sumasalamin sa kanyang personal na kwento bilang survivor ng toxic shock syndrome.

Kabilang pa sa mga kapansin-pansin sina Kendall Jenner, Hailey Bieber, at SZA, na bawat isa ay nagpakita ng kani-kaniyang artistic interpretation ng tema.

Isa rin sa naging sentro ng diskusyon si Anok Yai sa kanyang Black Madonna-inspired look, na may malalim na kahulugan.

Samantala, namangha rin ang mga dumalo sa hand-painted Mugler gown ni Emma Chamberlain, na tumagal ng ilang araw bago matapos dahil sa detalyadong artwork.