-- ADVERTISEMENT --
Pinangunahan ni Pang. Ferdinand R . Marcos Jr. ang inagurasyon para sa pagbubukas ng NLEX Segment 8.2 Section 1A sa Valenzuela City.
Ang nasabing NLEX Segment project ay ang mag-uugnay sa Mindanao Avenue Toll Plaza sa Quirino Highway sa Novaliches, Quezon City.
Sinasabing bahagi ang projeft ng mas malaking NLEX-C5 Northlink Project na naglalayong mapahusay ang koneksiyon ng Valenzuela, Quezon City at iba pang bahagi ng Kalakhang Maynila.
Inaasahang makakatulong sa mga motorista lalo na ngayong panahon ng Undas ang gagawing pagbubukas ng nasabing proyekto.











