-- ADVERTISEMENT --

Panibagong biyaya ang inaasahan ng dating volleyball star na si Fille Cainglet-Cayetano matapos niyang ibahagi sa social media ang kanyang pagbubuntis sa ikaapat nilang anak ng asawang si Lino Cayetano.

Sa kanyang post, nagbahagi si Fille ng isang video na may caption na, “You know when your Tits are sitting tight again! Baby number 4 here we go🤰🏻,”

Sina Fille at Lino ay ikinasal noong Disyembre 2013, ng sumunod na taon unang isinilang ni Fille ang kanyang panganay na anak na si Philip Cayetano at nasundan pa ito ng dalawa noong 2016, at 2018.

Kilala si Fille sa kanyang karera sa volleyball bago bumuo ng pamilya kasama si Lino.

Samantala itinalaga naman bilang bagong kalihim ng Presidential Communications Office (PCO) noong Oktubre 11, 2026, si Lino Cayetano.

-- ADVERTISEMENT --