-- ADVERTISEMENT --

Nasawi ang kauna-unahang pasyente ng tinatawag na Shamonda virus sa France kasunod ng pagkahawa nito sa nasabing sakit, pagkukumpirma ng pamahalaan nitong Huwebes, Oktubre 22.

Ang nasabing virus kasi ay karaniwan lamang nakakaapekto sa mga hayop tulad ng baka, ngunit nito lamang ay naiulat ang kauna-unahang kaso nito sa tao.

Habang pinag-aaralan pa kung paano napasa sa tao ang nasabing virus, suspetya naman ng awtoridad na maaaring itong napasa sa biktima nang makagat ito ng insektong nagdala ng nasabing virus mula sa mga hayop.

Bagama’t giniit ng pamahalaan na maaga pa para sabihing banta ito sa publiko, patuloy namang nakatutok ang mga eksperto ng European Centre for Disease Prevention and Control (ECDC) sa naiulat na pagkasawi ng biktima.

“ECDC is in contact with the French authorities and European partners to investigate the potential public health implications,” saad nito sa isang pahayag.

-- ADVERTISEMENT --

Batay sa ECDC, nito lamang Oktubre nasawi ang pasyente habang nagpapagaling mula sa isang malubhang sakit — dahilan kung kaya’t anila’y mas mabilis siyang nahawaan ng impeksyon kumpara sa ibang tao.