-- ADVERTISEMENT --

Kinumpirma ni Senador Juan Miguel “Migz” Zubiri na opisyal nang lumipat si Senador Mark Villar sa Senate Majority bloc ngayong Huwebes, Oktubre 8.

Dahil sa naging hakbang ni Villar, umakyat na sa 14 ang kabuuang bilang ng mga miyembro ng Majority bloc habang nananatili naman sa 10 ang miyembro ng Minority sa Senado.

Kasunod ng kaniyang paglipat, inihalal si Villar bilang bagong chairman ng Senate Committee on Public Works and Highways upang pangunahan ang mga panukala at talakayan ukol sa imprastraktura.

Bukod sa kaniyang bagong chairmanship, napili rin ang senador bilang isa sa mga miyembro na kumakatawan sa Senado sa Commission on Appointments (CA).

Inaasahang magbibigay ng karagdagang lakas sa mga lehislatibong agenda ng Majority bloc ang opisyal na pagrealign ng puwesto ni Villar sa mataas na kapulungan.

-- ADVERTISEMENT --

Bago ang kaniyang pagkakahalal sa Senado, nagsilbi si Villar bilang kalihim ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sa ilalim ng administrasyong Duterte kung saan pinangasiwaan niya ang mga malalaking proyektong pampubliko sa ilalim ng programang Build, Build, Build.

Ang kaniyang malawak na karanasan sa sektor ng public infrastructure ang naging pangunahing batayan ng kaniyang pagkakatalaga sa komite, habang ang kaniyang puwesto.