-- ADVERTISEMENT --

Inanunsyo ng Department of Energy (Department of Energy) ang panibagong galaw sa presyo ng produktong petrolyo ngayong Martes, kung saan nakatakdang tumaas ang gasolina at diesel habang may rollback naman sa kerosene.

Ayon kay Energy Secretary Sharon Garin, aabot sa maximum na P1.21 kada litro ang itataas sa gasolina, habang P2.82 kada litro naman sa diesel.

Samantala, magpapatupad ng rollback na hindi bababa sa P2.21 kada litro sa presyo ng kerosene.

Sa Metro Manila at iba pang highly urbanized cities, umaabot ang bentahan ng diesel kada litro sa P97.65, habang ang gasolina ay nasa pagitan naman ng P73.68 hanggang P108.18 kada litro.

Sa gitna ng panawagan ng ilang oil companies na ibasura ang mandatory price adjustment system, sinabi ng DOE na nirerepaso nito ang umiiral na polisiya at pinag-aaralan kung kailangan itong i-adjust.

-- ADVERTISEMENT --

Ayon kay Garin, isinasaalang-alang ng ahensya ang gastos ng mga kumpanya sa suppliers at freight.

Nakikipag-ugnayan din umano ang DOE sa mga oil firms matapos ang mga pagsusumite ng kanilang datos at gastos.

Batay sa datos ng DOE, ang average fuel inventory sa bansa ay nasa 45.33 araw, mas mababa kumpara sa 50.7 araw noong nakaraang linggo.