-- ADVERTISEMENT --
Inaprubahan ng House Committee on Justice ang committee report na nagsasabing may “probable cause” sa mga impeachment complaints laban kay Sara Duterte.
Nagkaisang bumoto ang lahat ng 55 mambabatas na dumalo sa House Committee on Justice pabor sa mosyon kaugnay ng isinasagawang deliberasyon.
Ipinapakita ng unanimous vote ang matibay na suporta ng mga miyembro ng komite sa naturang hakbang bilang bahagi ng kanilang proseso ng pagtalakay sa mahalagang usapin.
Nakita ng komite na may sapat na batayan upang ipagpatuloy ang proseso ng impeachment.
Ang naturang hakbang ay bahagi ng constitutional process kung saan sinusuri ng Kamara ang mga reklamo bago ito tuluyang iharap sa plenaryo para sa pagpapasya. I Via Bombo Ivan Rizada
-- ADVERTISEMENT --











