-- ADVERTISEMENT --

Ligtas na ang apat na tripulanteng sakay ng isang Taiwanese yacht vessel na nakaranas ng engine trouble habang naglalayag sa karagatang sakop ng Calayan, Cagayan.

Ayon kay Ensign Erika Faith Coloso, tagapagsalita ng Coast Guard District North Eastern Luzon, galing Taiwan port at patungong Subic, Zambales ang yate na nagngangalang Ian No. 77 nang masira ang makina humigit-kumulang 44 nautical miles hilagang-kanluran ng Dibay, Calayan.

Bilang tugon, nagsagawa ng radio challenges ang Philippine Coast Guard (PCG) sa mga barkong dumaraan sa lugar upang humingi ng tulong, habang ipinadala naman ang BFAR vessel para magsagawa ng towing operation patungong Santa Ana, Cagayan para sa karagdagang imbestigasyon.Balitang Pilipinas

Samantala, sa paggunita ng Semana Santa 2026, naitala ang kabuuang sampung insidente ng pagkalunod sa iba’t ibang bahagi ng rehiyon.

Ang mga insidente ay naiulat sa lalawigan ng Cagayan at sa Baler, Aurora, kung saan apat lamang ang nailigtas habang anim ang binawian ng buhay.

-- ADVERTISEMENT --

Ang mabilis na aksyon ng PCG at BFAR ay muling nagpatunay sa kahalagahan ng koordinasyon at agarang pagtugon sa mga insidente sa karagatan upang masiguro ang kaligtasan ng mga biyahero.