-- ADVERTISEMENT --

Nakatutok ang Pilipinas sa mga pinakabagong kaganapang pulitikal sa Myanmar, partikular ang pagkakahalal kay Min Aung Hlaing bilang pangulo.

Ito ang inihayag ni Palace Press Officer USec. Claire Castro.

Ayon kay Castro, patuloy na makikipag-ugnayan ang Pilipinas sa mga kinauukulang awtoridad at iba pang stakeholder sa Myanmar sa pamamagitan ni Ma. Theresa P. Lazaro, na nagsisilbing Special Envoy ng ASEAN Chair para sa Myanmar, gayundin sa pamamagitan ng mga embahada ng bansa.

Binigyang-diin ng Pilipinas ang patuloy nitong suporta sa sama-samang hakbang ng ASEAN upang maresolba ang sitwasyon sa Myanmar. Hinikayat din nito ang panibagong sigla sa pagpapatupad ng Five-Point Consensus.

Kabilang sa mga pangunahing layunin ng nasabing kasunduan ang agarang pagtigil ng karahasan at pagpapadali sa paghahatid ng tulong makatao para sa mamamayan ng Myanmar.

-- ADVERTISEMENT --

Nanindigan ang Pilipinas na makikiisa ito sa mga inisyatiba ng rehiyon upang maisulong ang kapayapaan, katatagan, at kapakanan ng mga mamamayan ng Myanmar.