Kinansela na ng Philippine Airlines (PAL) ang kanilang byahe papunta at mula sa Middle East kasunod ng conflict situation sa Middle East nitong Sabado, Pebrero 28.
Mga Kanseladong Biyahe ng PAL, Pebrero 28, 2026
- PR684 (Manila–Doha)
- PR655 (Riyadh–Manila)
- PR659 (Dubai–Manila)
- Marso 1, 2026
- PR685 (Doha–Manila)
Sa isang abiso, sinabi ng PAL na kinansela ang mga nabanggit na biyahe “due to restrictions in flight operations in the concerned Middle East stations.”
Mga Flight na Pinabalik sa Maynila
Ilang eroplano na nakaalis mula Maynila ang napilitang bumalik isa narito ang:
- PR654 (Manila–Riyadh) – umalis nitong Sabado at nakatakdang dumating muli sa Maynila dakong alas-10:40 ng gabi (local time).
- PR658 (Manila–Dubai) – umalis din nitong Sabado at inaasahang darating sa Maynila pasado alas-9:52 ng gabi (local time).
Samantala, inanunsyo rin ng Cebu Pacific ang kanselasyon ng ilang biyahe nito.
Kung saan kanselado ang flights 5J 14/15 Manila–Dubai–Manila na naka-iskedyul sa Marso 1.
Hinikayat naman ng New NAIA Infra Corp. (NNIC) ang mga pasahero na tiyaking alamin ang pinakahuling status ng kanilang flight bago magtungo sa mga paliparan.
Pinayuhan din ang mga susundo sa airport na i-verify muna ang arrival time ng kanilang mga kamag-anak o kaibigan dahil maaaring magbago ang iskedyul ng mga biyahe.











