-- ADVERTISEMENT --

Tinataya ni DILG Secretary Jonvic Remulla na aabot sa 200 katao ang posibleng ma-indict sa korapsiyon sa flood control scandal sa susunod na tatlong linggo.

Kaugnay nito, sa isang press conference ngayong Lunes, Oktubre 20, sinabi ng kalihim na 100% na handa ang New Quezon City Jail sa Payatas sakaling dito ikulong ang mga akusado.

Subalit, paglilinaw ng kalihim na ang Sandiganbayan ang may hurisdiksiyon kung saan ikululong ang mga akusado.

Ngayong araw, personal na in-inspeksiyon ng kalihim ang naturang BJMP facility na kayang mag-accommodate ng hanggang 800 detainees.