-- ADVERTISEMENT --
Patay na nang matagpuan ang dalawang bagong silang na kambal na sanggol sa Kabacan, Cotabato.
Magkayakap ang dalawa sa isang kumot na natagpuan sa isang bakanteng lote.
Dinala pa ng mga awtoridad sa ospital ang mga sanggol ngunit idineklarang patay na ang mga ito.
Wala pang lead ang mga awtoridad kung sino ang mga magulang ng naturang mga sanggol.