GENSAN– Kinumpirma ng pulisya na ang hinihinalang drug overdose ay maaaring sanhi ng pagkamatay ng isang 37-anyos na lalaki sa Barangay Katangawan, General Santos City.
Nasa advanced state of decomposition na ang katawan ng nagngangalang Ronnell “Cathy” Rivera, 37, isang LGBTQIA+ community member nang madiskubre sa loob ng kanyang tahanan noong Hunyo 19, 2025.
Batay sa imbestigasyon ng mga otoridad , wala umanong foul play sa pangyayari dahil walang bakas ng sapilitang pagpasok at wala ring nawala na mga gamit ng biktima.
Batay sa medico-legal certificate na hawak ni Rowena R. Guevarre, 42, kapatid ng biktima, ay nagpakita na ito ay malamang namatay mula sa pinaghihinalaang drug-induced encephalopathy, isang kondisyon sa utak na dulot ng labis na paggamit ng droga.
Ayon kay Police Station 8 Commander, Major Robert Fores, kanilang iniugnay ang kalagayan ng lalaki sa item ng ilegal na droga na narekober sa pinangyarihan.
Suspected drug overdose sanhi ng pagkamatay ng isang LGBTQIA+ member sa GenSan
-- ADVERTISEMENT --