-- ADVERTISEMENT --

GENSAN- Inilibing na ang isang bagong silang na sanggol na iniwan sa isang E-jeep unit na bumibiyahe dito lungsod noong nakaraang araw.

Kasabay ng paglilibing, nanawagan ang Social Services ng Barangay San Isidro sa publiko na i-report kaagad sa kanila kung mayroon silang kaalaman o impormasyon tungkol sa mga responsable sa pag-iiwan sa sanggol upang sila ay makausap at mabigyan ng counselling.

Ayon kay Bienvenido Daming, ang Department Head of Social Services ng nabanggit na Barangay na naawa sila sa bata kayat binigyan nila ito ng disenteng libing.