-- ADVERTISEMENT --

Itutulak ng US House Democrats ang isang imbestigasyon laban sa US Justice Department (DOJ) dahil sa umano’y sadyang pagtatago ng mga dokumentong naglalaman ng sexual abuse claims laban kay US President Donald Trump.

Inakusahan ng mga Democrats mula sa House Oversight Committee ang administrasyon dahil sa isyung ito.

Ito ay matapos madiskubre na mayroong higit 50 pahinang nawawala mula sa naisapublikong Epstein Files.

Ang mga missing records ay naglalaman umano ng mga notes at summaries mula sa FBI interviews noong 2019 sa isang babaeng nag-akusa na inabuso siya ni Trump noong mid-1980s nang siya ay 13 hanggang 15 anyos pa lamang.
Paulit-ulit namang itinanggi ni Trump ang mga paratang.
Ayon sa top Democrat ng komite na si Robert Garcia, magbubukas sila ng parallel investigation upang bawiin ang mga dokumento.

Paliwanag naman ng DOJ, hindi nila binura ang mga files. Ang mga hindi isinapublikong dokumento ay pansamantala lamang umanong tinanggal para sa redactions upang protektahan ang personally identifiable information ng biktima, o kaya ay itinuturing na privileged records.

-- ADVERTISEMENT --