-- ADVERTISEMENT --

Kinumpirma ng International Criminal Court (ICC) na kasama na si Senador Ronald dela Rosa sa opisyal nitong listahan ng mga “wanted persons,” ayon sa website ng korte noong Miyerkules ng gabi, Mayo 13.

Ayon sa ICC, si Dela Rosa ay kabilang sa 33 na akusado na kasalukuyang itinuturing na “at large.”

Sa kanyang profile sa website ng ICC, nakasaad ang kanyang buong pangalan na Ronald Marapon Dela Rosa, pati na rin ang kanyang petsa at lugar ng kapanganakan.

Inilarawan din siya ng ICC bilang isang dating opisyal ng Philippine National Police (PNP) na humawak ng iba’t ibang posisyon sa Davao region, naging hepe ng PNP, at nagsilbi ring Director General ng Bureau of Corrections sa panahong saklaw ng kaso.Balitang Pilipinas

Nakasaad din sa profile na ang arrest warrant laban sa kanya ay inilabas nang “secret” noong Nobyembre 6, 2025 at isinapubliko lamang noong Mayo 11, 2026.

-- ADVERTISEMENT --

Sakabila ng status ng senador, hinihintay parin ang petisyon nito sa Supreme Court kung ano ang magiging pasya matapos hindi pagbigyan ang hinihinging temporary restraining order ng senador kaugnay ng arrest warrant ng ICC.