-- ADVERTISEMENT --

Inihayag ni Senate President Pro Tempore Panfilo “Ping” Lacson na mahirap magbitiw ng mga espekulasyon hinggil sa naging pagbisita ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Naga City sa Bicol na pinamumunuan ni dating Vice President at ngayo’y Naga City Mayor Leni Robredo.

Aniya ang naging pagbisita ni PBBM sa Naga ay dahil sa kanilang isinagawang Joint Monitoring para sa “Oplan Kontra Baha” sa lalawigan.

Nauna nang nilinaw ng panig ng pangulo na hindi tinalakay sa kanilang pagkikita ni Mayor Robredo ang hinggil sa national elections sa 2028.

Samantala, sa hiwalay na pahayag, sinabi naman ni Robredo na pokus niya sa ngayon ang maglingkod sa kaniyang mga nasasakupan sa Naga City at hindi direktang sinagot ang posibilidad ng muling pagtakbo niya sa pagka-pangulo para sa 2028 national elections bilang posibleng katunggali ni Vice President Sara Duterte.