Sinabi ng Department of Energy (DOE) na pinag-aaralan ng pamahalaan ang posibleng pag-import ng langis mula sa Russia, ngunit wala pang aktuwal na order habang hinihintay ang paglilinaw mula sa Estados Unidos kaugnay ng sanctions waiver.
Ayon kay Energy Secretary Sharon Garin, pinapalawak ng Pilipinas ang mga supplier nito sa langis upang masiguro ang katatagan ng supply ng bansa kasunod ng pabago-bagong presyo sa pandaigdigang merkado.West Philippine Sea
Giit pa ng DOE, layunin ng hakbang na magkaroon ng mas maraming opsyon sa suppliers upang hindi umasa sa iisang bansa, habang nananatiling open ang mga bansa sa Brunei, India, Canada, at South America.
Samantala, ipinaliwanag naman ni Garin na ang kamakailang pagbaba ng presyo ng gasolina ay dahil sa pansamantalang paggalaw ng global oil prices matapos ang anunsyo ng ceasefire sa pagitan ng Estados Unidos at Iran. Ngunit nagbabala siya na hindi garantisadong magpapatuloy ang rollback dahil sa patuloy na tensyon sa Middle East.
Ayon sa DOE, nananatiling sapat ang suplay ng langis sa bansa na may average na 50-araw na inventory para sa petroleum products.
Habang sa kerosene (105 days), gasolina (54 days), diesel (49 days), at LPG (36 days).











