-- ADVERTISEMENT --

Epektibo ngayong araw ng Martes, Mayo 26, 2026, ang panibagong taas singil sa presyo ng produktong petrolyo na maghihigpit sa sintoron ng mga motorista.

Ayon sa Department of Energy (DOE), tataas ang presyo kada litro ng mga sumusunod na presyo ng produktong petrolyo:

Diesel: P1.96 kada litro
Gasolina: P1.60 kada litro
Kerosene: P1.45 kada litro


Ang pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo ay dahil sa mahigpit na supply sa global oil market, habang ang ilang supply mula sa Asya ay maaaring ilipat sa ibang rehiyon bunsod ng pagbawas ng produksyon sa Europa.

Noong nakaraang linggo, maaalalang tumaas din ang presyo ng gasolina ng P1.21 kada litro at diesel ng P2.82, habang bumaba naman ang kerosene ng P2.11.

-- ADVERTISEMENT --

Dahil dito, umabot na sa net increase na P48.12 kada litro ang gasolina mula simula ng taon, P44.84 sa diesel, at P39.05 sa kerosene.

Ayon pa sa DOE, aabot sa 44.82 araw ang kabuuang fuel inventory ng bansa, bahagyang mas mababa kumpara sa 45.33 araw noong nakaraang linggo.