-- ADVERTISEMENT --
Umabot na sa P6.64 milyon ang halaga ng pinsala sa agrikultura sa Albay dahil sa pag-aalburoto ng Mayon Volcano at ashfall, ayon sa Department of Agriculture (DA).
Apektado ang nasa 84 metric tons ng high value crops sa 16 ektarya ng sakahan, habang naitala rin ang pagkamatay ng 33 alagang hayop at poultry na may halagang P121,000, na patuloy pang beniberipika.
Nagpapatuloy naman ang evacuation at monitoring ng livestock, gayundin ang pagbibigay ng animal health support at distribusyon ng feeds at iba pang tulong sa mga apektadong magsasaka.
Tiniyak din ng DA ang iba pang tulong gaya ng seeds, loans, at crop insurance para sa mga naapektuhan.











