-- ADVERTISEMENT --
Nagasagawa ng pagparada ang mga mamamayan ng Iran para ipakita ang kanilang suporta sa gobyerno nila
Sa nasabing pagpaparada ay ipinakita ng Iranian military ang ilan nilang armas na pandigma.
Ayon sa mga lumahok na mga mamamayan ay handa silang ipagtanggol ang kanilang bansa anumang posibleng pag-atake.
Pinangunahan ni Iranian President Masoud Pezeshkian ang nasabing parada kasama ang kaniyang mga sundalo, kapulisan at ang Islamic Revolutionary Guard Corps (IRGC) commanders.
Isinagawa ang pagpaparada sa Tehran kung saan layon nito ang kanilang kahandaan sa posibleng pag-atake ng US.
-- ADVERTISEMENT --
Magugunitang inanunsiyo ni US President Donald Trump na sa mga susunod na araw ay kaniyang pagdedesisyunan kung ano ang gagawin nilang hakbang sa Iran.











