-- ADVERTISEMENT --

Naglabas ng precautionary hold departure order (PHDO) ang Branch 52 ng Manila Regional Trial Court (RTC) laban kay Senador Jinggoy Ejercito Estrada at ilang dating opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH) kaugnay ng mga kasong plunder at anomalya sa flood control projects sa Bulacan.

Ang utos ay inilabas noong Pebrero 10, 2026 sa ilalim ni Presiding Judge Juan Ranola Jr., at inatasan ang Bureau of Immigration na isama ang mga pangalan sa HDO list upang maiwasan ang pag-alis ng bansa habang nakabinbin ang kaso.

Kabilang sa mga pinangalanan sa order ang dating DPWH Secretary Manuel Bonoan, dating Undersecretary Roberto Bernardo, at mga district engineers na sina Henry Alcantara at Gerard Opulencia.

Nakalista rin ang yumaong DPWH Undersecretary Cathy Cabral, na pumanaw noong Disyembre 2025, ngunit isinama pa rin sa dokumento bilang bahagi ng mga orihinal na respondent.