-- ADVERTISEMENT --

Kinumpirma ni Atty. Ade Fajardo, abogado at tagapagsalita ni dating House Speaker Ferdinand Martin Romualdez, ang pagtanggap sa Referral na isinumite ng Independent Commission for Infrastructure (ICI) sa Office of the Ombudsman noong Nobyembre 21.

Ayon kay Fajardo, tinapos na ng ICI ang mandato nitong mangalap ng impormasyon at ipinasa nito sa Ombudsman ang lahat ng ebidensyang nakalap, kabilang ang sinumpaang salaysay ni Romualdez, kompletong transcript, at buong audio-video recording ng kanyang boluntaryong pagdalo sa pagdinig noong Oktubre 14.

Binigyang-diin ni Fajardo na malinaw na nakasaad sa Referral na ito ay “walang anumang finding o conclusion of guilt o liability” laban kay Romualdez. 

Aniya, pinatutunayan nito ang pagiging patas ng proseso at iginiit ang kapangyarihan ng Ombudsman na magpasya sa usapin ng pananagutan.

Tiwala ang kampo ni Romualdez na magsasagawa ang Ombudsman ng independiyente at masusing pagreview sa lahat ng isinumiteng dokumento at ebidensya. 

-- ADVERTISEMENT --