Naniniwala si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na hindi kaagad mararamdaman ang epekto ng oil price shocks dahil may proseso bago ito tuluyang makakaapekto sa presyo ng mga bilihin.
Ayon sa Punong Ehekutibo posibleng tumaas ang presyo ng ilang consumer goods dahil sa inaasahang pagtaas ng presyo ng langis at pagkaantala sa global supply chain,ngunit depende ito sa kung gaano katagal ang krisis.
Sinabi ng Pangulo sa ngayon, limitado pa sa ilang lugar na apektado sa pagkagambala sa transportasyon.
Dagdag pa ng Pangulo, sa ngayon patuloy pa ring bumibiyahe ang mga barkong may dalang produkto patungong Pilipinas.
Umaasa ang Pangulo na matatapos agad ang krisis bago pa tuluyang maramdaman ng mga mamimili ang pagtaas ng presyo ng mga bilihin.
Tiniyak ng Pangulo na kahit sa worst-case scenario ay makapagbibigay ang gobyerno ng suporta sa mga kritikal na sektor.
Binigyang-diin ng Pangulo na sapat ang suplay ng langis sa bansa, ngunit mahalaga ang maagap na paghahanda upang mapanatili ang energy security, price stability, at fiscal sustainability ng bansa.











