-- ADVERTISEMENT --
Nanawagan si DOLE Secretary Bienvenido Laguesma sa mga employer na payagan ang kanilang mga empleyado na gamitin ang kanilang leave.
Ito ay upang makauwi ang mga manggagawa sa kanilang mga probinsya o sa labas ng NCR nang mas maaga at makadalaw sa mga puntod ng kanilang mga mahal sa buhay.
Ipinaalala rin ng kalihim ang tamang pasahod para sa mga empleyadong magtatrabaho sa October 31, November 1, at November 2, na mga Special Non-Working Holiday.
Ayon sa kanya, may dagdag na 30% na premium pay sa mga araw na ito kung papasok ang mga manggagawa.











