-- ADVERTISEMENT --

Nanindigan si Atty Raymund Palad na sapat ang hawak nitong ebidensiya upang patunayan na ang kaniyang kliyenteng si Ramil Madriaga ay nagtrabaho dati kay VP Sara Duterte.

Giit ng batikang abogado, kaya nilang patunayan sa korte o sa anumang lupon na pinapasahod noon ni VP Sara si Madriaga.

Sa katunayan aniya, umaabot mula P100,000 hanggang P150,000 kada buwan ang natatanggap ni Madriaga na sahod mula sa pamilya Duterte noon. Maliban pa dito aniya ang ilang cash na ibinibigay sa kaniya dahil sa iba’t-ibang kadahilanan.

Paliwanag pa ng abogado, magkakaiba ang ginampanan ni Madriaga na trabaho bago siya napunta sa pamilya Duterte at habang nagtatrabaho siya sa naturangpamilya.

Kinabibilangan ito ng pagiging securty consultant, intelligence operator, atbpa.

-- ADVERTISEMENT --

Aminado ang abogado na noong nasa ilalim pa siya ng pamilya Duterte ay labis-labis na pera ang ipinahawak at ibinigay sa kaniya.

Bilang patunay, marami aniya ang dokumentong hawak ni Ramil na nagpapakita sa mga natanggap na pera na kinalaunan ay nagbigay na sa kaniya ng marangyang pamumuhay, maging daan para makabili ng milyon-milyong halaga ng mga sasakyan, atbpa.

Giit ni Palad, hindi lamang sa impeachment hearing sila nakahandang ilabas ang mga ito, kung maging sa mga korte sa bansa.