-- ADVERTISEMENT --

Ibinahagi ng aktres at host na si Anne Curtis ang tensyonadong karanasan matapos ang flight niya patungong United Arab Emirates (UAE) kung saan napilitang bumalik sa Milan, Italy dahil sa patuloy na airstrikes sa Middle East.

Sa kanyang Instagram Stories, sinabi ng host na papunta siya sa Dubai upang makasama ang kanyang pamilya.

“Was on my way to meet my little fam in Dubai when I noticed a high speed jet flying beside us,” pahayag niya sa kanyang post.

Dagdag pa niya, napansin niya ang isa pang jet at pagkatapos ay inanunsyo na babalik ang kanilang sinasakyang eroplano sa Milan dahil sa nagpapatuloy na mga airstrikes.

“I notice another one and next thing I knew they announced we would be turning around and making our way back to Milan due to the airstrikes. All flights to the Middle East have been grounded,” ayon pa kay Anne.

-- ADVERTISEMENT --

Hiniling din ni Anne ang dasal para sa mga pamilyang apektado ng kaguluhan sa rehiyon. “Hoping things ease soon,” dagdag niya.

Nabatid na nasa Milan si Anne matapos umatend ng fashion week.

Ang tensyon sa Middle East ay sumiklab noong Sabado matapos maglunsad ng pag-atake ang United States at Israel laban sa Iran, kung saan iniulat ng Iranian state media na pumanaw na ang Supreme Leader na si Ayatollah Ali Khamenei.

Bilang tugon, naglunsad ang Iran ng serye ng missile at drone strikes sa rehiyon, kabilang ang Dubai, isa sa pinakamahalagang hub ng pandaigdigang biyahe na nagkokonekta sa Europa at Asya.