-- ADVERTISEMENT --

Hawak pa rin ni Pinay tennis star Alex Eala ang pagiging paborito na manalo sa Jingshan Tennis Open matapos na makapasok na ito sa quarterfinals.

Inilampaso kasi ng 20-anyos na si Eala ang Japanese tennis player na si Mei Yamaguchi sa score na 6-0, 6-3 sa round of 16.

Magsisimula naman ang quarterfinals ngayong alas-11 ng umaga ng Setyembre 26 laban kay Jia-Jing Lu ng China .

Ang 35-anyos na si Lu ay ranked 349 sa Women’s Tennis Association (WTA) kung saan ang pinakamataas na ranking nito ay umabot ng 162 noong Marso 2019.

Nakapasok si Lu sa quarterfinals ng talunin si Riya Bhata ng India sa score na 6-4, 6-0.
Magugunitang sa first round ay tinalo ni Eala si Aliona Falei ng Belarus.

-- ADVERTISEMENT --